Search the web
Sign In
New User? Sign Up
zelletheband · Zelle - Search for Warmth
? Already a member? Sign in to Yahoo!

Yahoo! Groups Tips

Did you know...
Hear how Yahoo! Groups has changed the lives of others. Take me there.

Best of Y! Groups

   Check them out and nominate your group.
Having problems with message search? Fill out this form to ensure your group is one of the first to be migrated to the new message search system.

Messages

  Messages Help
Advanced
Ang LIHIM ng bandang ZELLE   Message List  
Reply | Forward Message #138 of 197 |
ANG LIHIM NG BANDANG ZELLE

Nominated ngayon sa SOP PasiklaBand 2008 ang bandang Zelle. Sila ang
nagpasikat sa mga awiting "As you Believe", "Akala Mo Lang" at ang 1st
single nilang "Sabihin" na nagpasikat ng husto sa banda at nag #1 pa
sa Guam, U.S.A. May bago din silang pinopromote ngayon na single
entitled "Lihim" na madalas na ngayong pinatutugtog sa mga radyo.

Last year lang nilabas ang debut album nila na pinamagatang "Search
for Warmth" under Sony BMG Music Entertainment, Talentfolio at
UpperHand Entertainment. Nanalo na sila ng award sa MYX Music Awards
2008 para sa Favorite Bandarito Performance. Nominated din sila sa
Awit Awards para sa kategoryang "Best New Group" at "Best Ballad" para
sa awitin nilang "Sabihin".

Ang Zelle ay binubuo nina Jasper Grutas (Drums), Archie Salvador (Lead
Guitar), Enan Cruz (Bass), Anthony Ramirez (Violin) at Jeazell Grutas
(Vocals/Rhythm Guitar). Kakaiba ang musika ng banda dahil na rin sa
kakaibang tinig ng bokalista nila na madalas nakukumpara sa mga
International artists na sina Alanis Morrissete at The Cranberries at
may kasama pang violon na bihirang makikita sa mga rock bands.

Kasali din sa isang Asian band competition ang Zelle at nito lang
October ay nagpunta sila sa Singapore para makipag compete sa iba't
ibang banda sa Asia.

"Sobrang nagpapasalamat kami sa mga naniniwala at sumusuporta sa Zelle
at sa music namin. Marami pa kaming pwedeng i-share na music at
pangarap din namin na sana mapansin ang mga Pinoy artists abroad. Sana
mabigyan pa kami ng chance kasi pagbabanda talaga ang hilig namin at
wala ng iba," sabi ni Jeazell.

Sa ngayon ay on going pa rin ang botohan sa SOP Pasiklaband na
magkakaroon ng Grand Finals na mapapanood sa GMA-7 sa October 30. Para
iboto ang Zelle sa kategoryang Best Breakthrough Artist, i-type lang
ang SOPBREAKTHROUGH B at i-send sa 4627. Para naman sa kategoryang
Best Song of the Year para pa rin sa 1st single nila na Sabihin,
i-type lang ang SOPSONG D at i-send sa 4627.

Para naman malaman ang schedule ng banda at kung paano sila makokontak
para mag show, check ninyo lang ang official website ng banda na
www.zelletheband.com.ph, http://zelletheband.multiply.com at puwede
ninyo ring mapanood ang mga music videos at live performances nila sa
www.youtube.com/zelletheband/




Wed Nov 19, 2008 10:47 am

jeman1978
Offline Offline
Send Email Send Email

Forward
Message #138 of 197 |
Expand Messages Author Sort by Date

ANG LIHIM NG BANDANG ZELLE Nominated ngayon sa SOP PasiklaBand 2008 ang bandang Zelle. Sila ang nagpasikat sa mga awiting "As you Believe", "Akala Mo Lang" at...
Jeman Villanueva
jeman1978
Offline Send Email
Nov 19, 2008
10:48 am
Advanced

Copyright © 2009 Yahoo! Inc. All rights reserved.
Privacy Policy - Terms of Service - Guidelines - Help